LOOK: Espenido, Ipinababalik Ng Pangulong Duterte Sa Ozamiz Upang Ubusin Ang Mga Parojinog

Dalawang taon na ang nakararaan nang masimulan ng administrasyong Duterte ang “laban kontra dr0ga.” Hanggang ngayon ay patuloy ang laban sa pagsupil sa mga durugista at sa mga malalaking taong sangkot dito.

Speaking engagement

Kamakailan lang ay dumalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa groundbreaking ng airport modernization sa Ozamiz. At sa pagdalo dito ng pangulo ay nagkroon ito ng pagkakataon na makausap ang mga lokal na residente ng Ozamiz. Sa isang speech ay tinanong ng pangulo kung nais ng mga ito na ibalik si Chief Inspector Jovie Espenido at positibo ang tugon na natanggap ng presidente.

Panggugulo ng mga Parojinog

Nakarating sa kaalaman ng pangulo na patuloy pa din ang paghasik ng takot at dr0ga ng pamilya Parojinog sa lugar. Kaya naman nagbigay ng babala ang pangulo sa mga ito,

“Iyang pamilya Parojinog, ihinto niyo na ang pananakot. I will wipe you from the face of the earth. Uubusin ko talaga kayo. Pati ‘yang mga police. Ipatatawag ko kayo sa Maynila, pero sa airport palang papaihaw ko na kayo. I am here at the Ozamiz airport. They said they want him (Espenido) back. Ipaubos ko itong, ang order ko kay Espinido, ubusin niya ang putanginang angkan ni mayor.”

Nagbigay din ng patong sa ulo ang presidente para sa mga makakahuli sa mga Parojinog, buhay man o patay. Hinilayat din nito pati na din ang mga gangster sa lugar para sa nasabing order. Nagbigay din ng babala ang pangulo sa mga pulis sa Ozamiz na sangkot sa mga maduming transaksyon ng mga Parojinog ukol sa dr0ga.

Ibalik si Espenido

Si Espenido ang isa sa mga nanguna sa pag-raid sa tahanan ng mga Parojinog. Dito ay namatay ang Alkalde ng Ozamiz na si Reynaldo Parojinog at ang iba pa nitong mga kasama.

Komento ng netizens

Bagaman positibo ang dating ng balita sa mga netizen, dahilan na din upang maging tahimik at payapa na sa Ozamiz, nag-aalangan din ang mga ito dahil sinasabing kamag-anak ni Drilon ang mga angkan ng Parojinog. Hinihiling din ng maraming netizen na sana ay matapos at matuldukan na ang mga kasamaan ng mga ito at ang negosyo nitong dr0ga.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think