Look: Paghihimok Ni Direk Joel Lamangan Sa Taumbayan: “Iboto natin ang oposisyon sa Mayo 2019”

Ilang buwan nalang ay magaganap na ang midterm election ngunit ngayon pa lamang ay marami na ang naghihimok at nagpapalipad-hangin sa mga Pilipino kung sino ang dapat iboto sa darating na eleksyon. Sa pagdating ng panahon ng kampanya, kadalasan na kinukuha ng mga politiko ang mga artista upang matulungan sila na mas makilala ng mga tao. Isa ang mga artista sa may malaking impluwensya partikular na sa ating bansa, dulot ng malawak na tradisyonal na suporta ng mga tao sa larangan ng entertainment. Dahil dito, nabuo ang Art Forces of the Philippines na binubuo ng mga tao sa industriya ng entertainment.

Isang video ang inupload ng isang Facebook page, Art Forces of the Philippines na kung saan ay hinihimok ang sambayanang Pilipino na iboto ang mga nararapat na maupo sa darating na eleksyon. Lantaran din ang pagsuporta nito sa makakaliwang grupo o sa oposisyon. Ang Art Forces of the Philippines ay binubuo ng mga manunulat, artista, mga tao na nasa larangan ng pag-arte, teatro, atbp.

Paghimok Mula Kay Direk Lamangan

Sa isang video nito, nanawagan ang direktor na si Joel Lamangan na suportahan ng mga tao ang mga nasa opisisyon. Dagdag pa nito, sinabi nitong nanganganib ang soberanya ay t kalayaan ng bawat Pilipino hanggat ang bayan ay nakapailalim sa kasalukuyang administrasyon,

“…nanganganib po ang ating bayan. Pinamumunuan po ito ng rehimeng walang pagpapahalaga sa buhay ng tao,”

Ayon sa direktor ay wala diumanong respeto ang administrasyon sa Saligang Batas at sa soberanya. Inilahad din nito ang reklamo ukol sa walang habas na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng inflation.

Iboto Ang Oposisyon

Hinimok ni direk Joel ang mga tao na iboto ang oposisyon sa darating na Mayo. Ang pagboto sa oposisyon umano ang patunay na pagkakaisa ng bawat Pilipino.

#NoToLP

#NoToLp naman ang sigaw ng mga netizen sa bawat video na inuupload ng nasabing Facebook page. Hindi naman nagpatinag ang mga netizen na syang masugid na sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon. Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga ito sa mga artistang nagpaabot ng video na naghihimok sa mga tao na suportahan ang partido ng oposisyon, partikular na sa direktong at aktor na si Joel Lamangan.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think