Pres. Duterte, Nais Bumuo Ng ‘Sparrow Unit’ Upang Tugisin Ang Mga NPA, CHR Gascon, Umalma!

Napapadalas na maging laman ng mga balita ang rebeldeng grupo ng New People’s Army o NPA sa pangunguna sa paggawa ng mga karahasan. Kamakailan lang ay sinunog nila ang isang day care at sumugod sa isang medical mission ng mga pulis sa Bicol. Sinasabing nangingikil din ang mga ito sa mga lokal na residente at negosyante sa probinsya para sa revolutionary tax na kanilang tinatawag. Sa mga pagkakataong di nakakapagbigay ang mga tao, gumagawa ito ng marahas na gawain.

Sparrow Unit

Inilabas naman ng pangulong Duterte ang kanyang plano na bumuo ng sparrow unit upang tuluyan nang puksain ang mga rebeldeng grupo. Ang sparrow unit na mabubuo ay magmumula sa sinasabing Death Squad ng pangulo. Nakarating ang balita sa mga makakaliwang oposisyon na kung saan ay naunang nagpahayag ang Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon.

Labag sa batas

Ayon kay Gascon, labag ang plano ng presidente sa International Humanitarian Law o HIL. Ang maaari lamang gamitin para mapuksa ang mga rebelde ay ang militar. Sa isang panayam,

“The state always has a duty to protect its citizens from all forms of harm including lawless violence and terrorist acts… must at all times be undertaken in accordance with established rules of engagement, due process and rule of law guarantees; and International Humanitarian Law principles.”

Dagdag pa ni Gascon, bagaman para sa seguridad ng bansa ang hangarin ng pangulo ay mali pa din ito sa paningin ng batas.

Nagpahayag din ng hindi pagsang-ayon si Senator Kiko Pangilinan sa nasabing plano ng pangulo.

Ubusin na ang mga rebelde

Suportado naman ng mga netizen ang nasabing plano ng presidente. Ayon sa mga ito, ang naunang pagdi-sang ayon ni Gascon ay nangangahulugan lamang na isa itong nakikisimpatya sa mga rebelde. Ang pagdeklara ng pangulo ng pagbuo ng sparrow unit ay isa lamang palipad hangin at taktika upang mapalabas kung sino ang mga sumusuporta at may simpatya sa mga makakaliwang grupo partikular na sa rebeldeng grupo na NPA.

Ayon sa isang netizen, ang mga katulad ni Gascon ang mga taong hahatak pababa sa bansa at sa magagandang hangarin ng gobyerno. Para sa mga ito, marami ding paglabas sa Humanitarian Law ang mga rebelde base sa mga nagawa nitong mga pang-aabuso, pagpatay, pagpapasabog sa mga imprastraktura.

SOURCE: NEWS5, GMA NEWS

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think