WATCH: Mystica, humihingi ng tulong sa Tulfo Brothers dahil sa cyberbullying

Kumalat sa social media ang panibagong panawagan ni Ruby Villanueva o mas kilala bilang Mystica na humihingi ng tulong sa mga Tulfo brothers dahil sa masasakit na salita mula sa kanyang mga kritiko.

Umiiyak na naglabas ng saloobin sa Facebook live si Mystica dahil sa mga taong umaalipusta at sinisiraan umano siya.

Ayon kay Mystica, trabaho lamang ang hanap niya kung kaya nagsusumikap siya ngayon na makabalik sa showbiz.

Ngunit dahil sa mga mapanghusgang mga tao, pilit umano siyang binabagsak ng mga ito at pinaparatangan ng kung ano-ano.

Saad pa niya, may mga ebidensya siyang magpapatunay sa kanyang mga paratang laban sa mga taong naninira sa kanya.

Nais lang umano niya ay oportunidad na makabalik sa kanyang nakagisnang trabaho at hiling niya mabigyan siya ng isa pang pagkakataon.

Nauna ng nanawagan si Mystica kay Coco Martin, kung saan pinagbigyan siya ng “FPJ Ang Probinsyano” ng pagkakataon upang makabalik sa harap ng camera.

At nang matapos ang kanyang role sa nasabing programa, nagpahayag siya ng pagkadismaya at muli ay nanawagan sa ilang mga artista.

Matapos kay Coco, nanawagan naman si Mystica kay Michael V. na tulungan siya magkaroon ng trabaho sa programa nito sa GMA. Ngunit hindi natupad ang panawagan ni Mystica sa actor.

Ayon sa ulat, saad ni Michael V. na nais man siyang magpasok ng artista sa kanyang show ay hanggang suggestion lamang ang kanyang magagawa at nasa network ang final decision.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think